Maraming manggagawang Pinoy ang naging bukas sa paglipat ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa recruitment portal na Jobstreet Philippines, na dahil na rin sa pandemiya ay maraming mga manggagawa ang nag-reassessed kung ano ang mahalaga sa kanila habang ang ilan ay mas nais ang flexibility sa kanilang trabaho.
Dumami rin ang umalis sa kanilang trabaho dahil sa nakahanap ng magandang oportunidad dahil nag-iba na ang kanilang prioridad.
Sinabi ni Jobstreet country manager Philip Gioca na dahil sa pangamba rin sa COVID-19 ay maraming mga manggagawa ang lumipat ng kanilang trabaho para magkaroon ng maraming oras sa kanilang pamilya.
Base rin sa kanilang 2021 Global Talent Survey na 67 percent ng mga empleyado ang nagpasya na iprioridad ang kanilang mental health.
Lumabas din sa kanilang pag-aaral na maraming mga Filipino ang nagnais ng remote work setups habang may ilang ang pumayag na mabawasan ng kita basta payagan na mapunta sa mga abot-kayang lugar.