-- Advertisements --

Mayroong 51 percent sa mga lumahok sa survey ng Social Weather Station (SWS) ang umaasa na matatapos na ang COVID-19 crisis ngayong taong 2022.

Lumabas sa survey na 45 percent ang umaasa na hindi pa matatapos ngayong 2022.

Isinagawa ang face-to-face interview mula Disyembre 12 hanggang 16 na mayroong 1,440 adults na tig-360 sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Sa nasabing survey ay umabot naman sa 62 percent sa Mindanao ang nagsabi na hanggang 2022 na ay matatapos ang pandemya na sinusundan ng balance Luzon na mayroong 51 percent, Metro Manila 49 percent at Visayas 41 percent.

Malaki rin ang nagsabi sa survey ang kahalagahan ng vaccine mandate maliban lamang sa Visayas.