-- Advertisements --

Maraming mga Japanese pa rin ang nais na matuloy na ang Tokyo Olympics 2021.

Ito ang lumabas na survey ng ilang mga eksperto sa Japan kung saan isa lamang sa apat na katao ang nag nais na iantala na ang nasabing torneo.

Sa isinagawang mga survey marami pa ring mga residente ng Japan ang nagnais na huwag ng iantala ang nasabing pinakamalaking sporting events.

Magugunitang kinansela ang 2020 Tokyo Olympics ngayong buwan dahil sa coronavirus pandemics.

Tiniyak din ni International Olympic Committee president Thomas Bach na wala ng magiging pagbabago sa mga naunang plano.