Sunod-sunod nang nagsuspindi ng klase ang ilang mga lokal na pamahalaan sa Greater Manila Area dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Kinabibilangan ito ng Manila City, Malabon City, Navotas City, Caloocan City, at buong probinsya ng Cavite.
Sa lungsod ng manila, suspendido ang face-to-face classess sa elementarya at sekundarya.
Sa Malabon City, suspendido ang klase sa lahat ng lebel dahil sa mga pag-ulan at dulot na rin ng inaasahang pagbaha.
Sa Navotas City, suspendido ang klase mula pre-school hanggang college sa pribado at pampublikong paaralan.
Sa Caloocan City, suspendido rin ang klase sa lahat ng lebel, public o private.
Batay sa nauna namang anunsyo ni Cavite Gov. Jonvic Remulla, suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng lebel, mapa-private man o public.