-- Advertisements --

Mahigit sa kalahati na mga pagamutan sa Beirut ang hindi na magamit mahigit isang linggo ng maganap ang pagsabog.

Sinabi ni World Health Organization (WHO) regional emergency director Richard Brennan, agad silang nagsagawa ng assessment sa 55 clinics at health centers sa Beirut matapos ang pagsabog.

Kasama rin dito ang tatlong pangunahing pagamutan ang hindi na magamit habang ang tatlong iba pa ay nag-ooperate ng below normal capacity.

Dahil dito ay nanawagan ang WHO sa ibang bansa na magtulungan para makapagtayo ng temporaryong pagamutan sa Beirut.