Nasa 69 percent ng mga Filipino pa rin na hind nabakunahan laban sa COVID-19 ang duda pa rin sa bisa ng bakuna.

Ito ang lumabas sa face-to-face interview survey ng Social Weather Station (SWS).

Isinagawa ang survey mula Disyembre 10-14, 2022 sa 1,200 participants na edad 18 pataas.

Base kasi sa datus na mayroong 62.6 milyon na adult Filipino ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Base sa survey na sa 13% na mga hind nabakunahan ay 12% sa mga dito ang walang balak na magpabakuna.

Habang sa mga 32 percent na nabakunahan ay nais pa rin ang magpaturok ng dagdag na booster at 44 percent sa mga dito ang ayaw ng magpaturok ng booster.