-- Advertisements --
Karamihan sa 10,000 Filipino na nagtatrabaho sa Russia ay walang kaukulang papeles.
Sinabi ni House Speaker at dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na may panganib ang mga ito na sila ay maaresto, makulong at mapauwi sa bansa.
Kabilang kasi si Arroyo na dumalo St. Petesburg International Economic Forum.
Isinusulong sa nasabing forum ang labor deal sa pagitan ng Moscow at Manila.
Dagdag pa ng dating pangulo na karamihan sa mga ito ay mga household workers at tagapag-alaga ng mga bata.
Nagbabayad na lamang ang mga Filipino para makapagtrabaho sa Russia.