Pinalikas ng gobyerno ng Japan ang ilang libong residente nila ng dahil sa pagdaan ng malakas na bagyong “Ampil”.
Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA) na tatama ito sa Choshi City sa Chiba prefecture.
Maapektuhan din ang eastern region ng Kanto sa Tokyo.
May dala itong lakas ng hangin na 45 meters per seconds at pagbugso ng 216 kilometers per hour.
Nasa 323,000 na mga residente ng Iwaki City sa Fukushima prefecture at 18,500 na residente mula sa Mobara City sa Chiba sa silangan ng Tokyo ang lumikas na.
Nakaranas naman ng kawalan ng suplay ng kuryente ang mga kabahayan sa Kanto.
Dahil na rin sa bagyo ay maraming mga flights at biyahe ng tren ang kinansela.
Binalaan din ng mga otoridad ang publiko na lumayo sa mga karagatan dahil sa nasabing taas ng alon at lakas ng ulan na dala ng bagyo.