-- Advertisements --
Maraming mga residente ng central Portugal ang lumikas dahil sa malawakang wildfire.
Gumamit na ng helicopters at mga eroplano ang mga otoridad para tuluyang maapula ang nasabing sunog.
Bukod sa bumbero ay nagpakalat pa ng mga sundalo para na ring tumulong.
Mula pa noong Sabado ay nagsimula ang nasabing sunog kung saan isang residente ang nagtamo ng matiding pinsala.
Isinara na rin ng mga otoridad ang maraming kalsada dahil sa insidente.
Taon-taon ay nagiging problema ang wildfire sa anim na rehiyon sa central at southern Portugal dahil sa init ng panahon.
Noong 2017 kasi ay marami ang nasawi sa nangyaring wildfire sa naabing lugar.