-- Advertisements --
sYRIA TURKEY 5

Maraming residente ng northern Syria ang lumikas matapos atake ng Turkey military sa cross-border na hawak ng mga Kurdish militants.

Pinalibutan ng mga sundalo ng Turkey ang border sa bayan ng Ras al-Ain at Tal Abyad.

Itinuturing kasi ng Turkey ang mga Kurdish militias ng Syrian Democratic Forces (SDF) na may kontrol sa cross-border area bilang terorista na sumusuporta sa anti-Turkish insurgency.

Ang SDF ay kinikilala naman na pangunahing kaalyado ng US na lumalaban sa Islamic State (IS) group. Pero nitong nakalipas na araw ay bumitaw na sa rehiyon ang Amerika na naging dahilan para pumasok na ang Turkish troops.

Samantala, dumipensa naman ang Turkey na ang kanilang ginagawang pag-atake ay para makagawa ng “safe zone” sa pagbalik ng mga Syrian refugees.

Maraming mga bansa naman ang komokondina sa nasabing hakbang ng Turkey.