-- Advertisements --
Maraming mga personnel ng Secret Service sa Pittsburg Field Office ang pansamantalang inilagay sa administrative duty at inatasang mag-work from home.
Kasunod ito sa naging kapalpakan nila sa tangkang pamamaril kay dating US President Donald Trump noong Hulyo 13 habang nasa kaniyang political campaign rally sa Pennsyvania.
Kabilang sa mga inilipat ng duty ay yung mga nakatalaga kay Trump.
Mula noon ay umani ng mga batikos ang Secret service kung saan inimbestigahan na ang mga ito ng US congress.
Una ng inamin ni Acting Deputy Director Ronald Rowe ng Secret Service na pumalpak sila pangagalap ng mga impormasyon ukol sa insidente.
Pagtitiyak din nito na kanilang papanagutin ang ilang mga personalidad niya.