-- Advertisements --

Ilang mga anti-government protesters ang napatay ng mga security forces sa Kazakhstan.

Ayon sa mga kapulisan ng bansa na patuloy ang ginagawang pagsakop ng mga protesters sa Almaty.

Tinangka ng mga protesters na ikontrol ang police stations kaya sila ay nakipaglaban.

Umabot rin sa 12 mga kapulisan ang napatay ng mga protesters din at mahigit 300 ang nasugatan.

Nakatakda namang magpadala ng kanilang sundalo ang ilang mga bansa para maibsan ang kaguluhan.

Ang mga bansa na kabilang sa Collective Security Treaty Organization (CSTO) ay kinabibilangan ng Russia, Belarus, Tajikistan, Kyrgyzstan at Armenia.

Magugunitang nagsimula ang matinding kaguluhan ng tanggalin ng gobyerno ang price cap ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ginagamit karamihan sa kanilang sasakyan.

Pinayuhan ni Almaty police spokeswoman Saltanat Azirbek ang mga mamamayan na manatili na lamang sila sa kanilang bahay hanggang hindi pa napipigilan ang mga kaguluhan.