-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mga American football players sa pagsisimula na ng mga training camps.

Karamihan sa mga dito ay nababahala na kapag mahina pagpatupad ng health protocols ay magkakahawaan at kakalat ang coronavirus.

Sinabi ni Super Bowl-winning quarterbacks Russell Wilson na buntis pa naman ang kaniyang asawa at wala pang malinaw na plano sa kalusugan ng mga manlalaro at kaligtasan ng mga pamilya.

Dagdag pa nito na nais nilang maglaro subalit kailangan nilang protektahan ang kanilang pamilya.

Nakatakda kasi sa Setyembre 10 ang pagsisimula ng 2020-21 season na may training camps.

Magugunitang umaabot na sa 72 manlalaro ng NFL ang nagpositibo na sa coronavirus sa isinagawang testing.