KORONADAL CITY – Ibinunyag ni outgoing South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes na noon pa man ay gumalaw na sila upang mabuwag ang iligal na aktibidad ng Kabus Padatoon investment scam sa probinsya ng South Cotabato.
Sa pahayag ng gobernadora, una raw itong nakipag-ugnayan sa mga otoridad sa national level upang mapahinto ang KAPA investment scam ngunit nahirapan sila dahil halos lahat ng mga kasapi ng mga otoridad ay sangkot sa investment scam sa South Cotabato.
Tinawag naman ng gobernadora na isang napakalaking krisis ang dulot ng KAPA hindi lamang sa probinsya ngunit pati na sa buong bansa.
Kaugnay nito, hindi rin isinasantabi na nagamit ng ilang mga politiko sa South Cotabato ang KAPA upang makapangdaya at manalo nitong nakaraang halalan.
Dahil dito, malaking hamon daw sa susunod na administrasyon sa probinsya ang pagresolba sa krisis na idinulot ng KAPA at kung paano mapapasigurong hindi na ito mauulit pa.