Anim sa 10 pamilya ang nakaranas ng kakulangan o walang makain dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Department of Scienc and Technology Food and Nutrition Research Institute.
Mayroong 62.1 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng katamtaman hanggang matinding food insecurity.
Lumabas din sa survey na 71.8 percent ng mga respondents ang napipilitang mangutang ng pera para makabili ng pagkain habang 66.3 percent ang humihingi ng mga pagkain sa kanilang mga kaanak, kapitbahay at mga kaibigan.
Ayon pa sa DOST-FNRI na ang dahilan ng kakulangan ng pagkain ay dahil sa kawalan ng pera, limitadong pampublikong transportasyon, kawalan ng pagkakakitaan, walang sapat na paraan para makakuha ng tamang pagkain at ang mga may edad na walang sinuman na bibili ng kanilang pagkain.