-- Advertisements --

Maraming Filipino pa rin ang sumusunod sa minimum safety standards na ipinapatupad ng gobyerno para tuluyang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations kung saan mayroong 75 percents ng mga respondents ang nagsusuot ng face masks, 67 percents ang regular na naghuhugas ng kamay, 58 percent ang sinusunod ang physical distancing at 53 percent naman ang nagsusuot ng face shield sa publiko.

Nanguna ang Luzon na mayroong maraming bilang ang nagsusuot ng face mask na sinundan ng Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Nasa Luzon din base sa survey ang sumusunod sa physical distancing na sinundan ng Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Sa Metro Manila naman ang may pinakamaraming porsyento na naghuhugas ng kanilang mga kamay na sinundan ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Isinagawa ang survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2, 2021 na mayroong 1,200 correspondents.