-- Advertisements --

Muling mahaharap sa mabibigat na pag-ulan ang maraming probinsya sa Northern Luzon dahil sa epekto ng bagyong Marce.

Batay sa 24-Hour Accumulated rainfall forecast ng state weather bureau, maaaring makaranas ng hanggang 100 mm na ulan ang mga probinsya ng Cagayan, Batanes, Isabela, at Aurora. Ito ay katumbas ng moderate to heavy rains.

Bukas, Nobiyembre 7, makakaranas ng intense to torrential rains ang mga probinsya ng Cagayan at Apayao. Ito ay katumbas ng hanggang 200mm ng tubig-ulan.

Mararanasan din ang mula 100mm hanggang 200mm ng pag-ulan sa iba pang mga probinsya sa Northern Luzon tulad ng Ilocos Norte, Batanes, Isabela, Abra, Ilocos Sur, Kalinga, at Mountain Province.

Inaasahang magpapatuloy ito hanggang sa araw ng Biyernes (Nov. 8) at maaapektuhan muli ang mga naturang probinsya.

Dahil dito, muling pinapaalalahanan ang publiko na bantayan ang sitwasyon sa mga kailugan, maging updated sa mga abiso ng lokal na pamahalaan, at lumikas kung kinakailangan.