-- Advertisements --

Ginamit na ni North Korean Leader Kim Jong Un ang mga sundalo para maisagawa ang relief operations sa mga lugar na lubos na tinamaan ng malakas na pag-ulan.

Sa ginawang pagpupulong ng Central Military Commission na kanilang tinalakay ang mga rescue efforts at ang damage and recovery efforts sa South Hamgyong.

Aabot sa 5,000 residente na ang inilikas habang mayroong 1,170 kabahayan ang nasira dahil sa patuloy na pag-ulan.

Bagamat wala sa pagpupulong si North Korean lider Kim Jong Un ay tiniyak nito ang tulong sa mga naapektuhang residente.

Magugunitang noong Hunyo ay inanunsiyo ng North Korean President na nagkaroon sila ng kakulangan ng pagkain dahil sa pananalasa ng COVID-19 pandemic.