-- Advertisements --

Ilang libong residente na ng Athens ang pinalikas dahil sa lumalaking wildfires.

Maraming mga kabahayan at paaralan sa Varnavas ganun din sa northeastern Athens ang natupok na ng apoy.

Umabot na sa mahigit 80 talampakan ang taas ng apoy sa nasabing lugar.

Maging ang mga helicopters at eroplano na tumutulong para maapula ang sunog ay tumigil muna dahil sa hindi makayanan ang init.

Humingi na ng tulong ang mga otoridad ng Greece sa ibang mga bansa para labanan ang apoy.

Nagpadala na ang France ng Super Puma utility helicopter habang ang Czech Republic ay nagpadala ng 75 na bumbero at 25 na sasakyan.

Inaasahan na darating din ang tulong mula sa mga bansang Spain, Italy, Turkey, Romania and Canada.

Naging hamon pa sa mga bumbero ang malakas na hangin na siyang nagpapalaki ng apoy.