-- Advertisements --

Maraming mga residente ng Varanava sa Greece ang lumikas sa kanilang kabahayan dahil sa paglaki ng wildfire.

Nagtulong-tulong na ang mahigit 250 na mga bumbero kasama ang 12 water bombing planes at pitong helicopters para apulahin ang sunog.

Mabilis na kumalat ang sunog sa 35 kilometro ng northern Athens.

Nagbunsod ang wildfire dahil sa labis na init ng panahon na nararanasan doon.