Inilikas na ang maraming residente na malapit sa sikat na geothermal Blue Lagoon spa sa Iceland dahil sa pagputok ng bulkan.
Naitala ng Icelandic Meteorological Office (IMO) ang pagbuga ng nasa 2.5 kilometrong abo mula sa bulkan na umabot sa Sundhnuksgigar sa Reykjanes peninsula.
Ito na ang pang-limang beses na pumutok ang nasabing bulkan mula pa noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sinabi naman ni Grindavík Mayor Fannar Jónasson na nagdeklara na sila ng state of emergency at may mga residente na silang inilikas.
Mula pang noong Disyembre ay mayroong 4,000 na mga residente ng Grindavik ang permanente na nilang inilikas.
Mayroong 33 na aktibong bulkan ang Iceland dahil matatagpuan ang nasabing bansa sa Mid-Atlantic Ridge ang boundary sa pagitan ng dalawang pinakamalaking tectonic plates sa mundo.