Hindi na nagtaka pa ang mga climate at infrastructure experts sa naganap na malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng London.
Noon pa man anila ay nagbabala na sila tulad ng maraming mga lungsod ay hindi sila handa sa epekto ng climate change.
Sinabi ni Liz Stephens ang associate professor sa department of geography and environmental science sa University of Reading na hindi makakayanan ng kanilang Victorian drainage system ang malakas na pag-ulan.
Ayon naman sa Greater London Authority na mayroong 17 percent ng London ang nahaharap sa high o medium risk ng flooding.
Nauna rito nagulat ang maraming residente ng London matapos na sila ay bahain.
Hindi naman bababa sa 1,000 mga emergency calls ang natanggap ng London Fire Brigade na humihingi ng tulong matapos na mabaha ang kanilang kabahayan.
May dalawang pagamutan din ang hindi tumanggap ng pasyente matapos na abutin ng tubig baha ang kanilang pagamutan.