Ilang libong mga residente ng Louisiana ang lumikas bago ang paglandfall ng tropical storm Barry.
Kasunod ito ng pagdeklara na rin ni US President Donald Trump ng state of emergency.
Sa pinakahuling taya kasi ng National Weather Service na mas bumilis ito sa 80 km/h.
Nagbabala rin ang ahensiya na magdudulot ng storm surge, malakas na pag-ulan ang bagyo sa northern at central Gulf Coast.
Patuloy din ang panawagan ni New Orleans Mayor LaToya Cantrell sa mga residente na manatili na lamang sila sa loob ng kanilang bahay.
Nagpadala na rin ng mahigit 3,000 National Guard members at 300 buses sa buong estado si Governor John Bel Edwards bilang paghahanda at pagsagip sa pagdating ng bagyo.
Inaasahan mamayang gabi o hanggang bukas ang paglandfall ng hurricane Barry.