-- Advertisements --
Nasa mahigit 18,000 na mga residente ng New South Wales sa Australia ang pinalikas dahi sa malakas na pag-ulan.
Nakakalat na rin ang mga sundalo at mga volunteers rescuers para umalalay sa mga lumilikas na residente.
Maraming mga tulay at kalsada ang hindi na madaanan matapos na ito ay malubog sa baha.
Nagbabala naman si Prime Minister Scott Morrison na mas titindi pa ang pag-ulan sa mga susunod na araw.
Ito na rin aniya ang pinakamatinding pag-ulan na naranasan matapos ang ilang dekada.