-- Advertisements --

Nakabalik na sa kani-kanilang bahay ang ilang residente ng Paranaque city na inilikas sa nagdaang bagyong Ulysses.

Aabot kasi sa mahigit 200 pamilya na nasa mababang mga lugar ang inilikas.

Ayon sa Paranaque City Disaster Risk Reduction ang Management Office, nasa 30 lugar sa kanilang lungsod ang labis na naapektuhan.

Karamihan sa 188 pamilya o 643 individuals na inilikas sa 13 evacuation centers ay nakabalik na mula kagabi matapos ang paghupa ng tubig baha.

Aabot sa hanggang dibdib ang taas ng baha sa nasabing lungsod sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.