-- Advertisements --
Maraming mga resident ng Puerto Rico ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Ernesto.
Ang Category 1 hurricane ay mayroong dalang lakas ng hangin na aabot sa 75 mph.
Ayon sa National Hurricane Center na dumaan ito sa Virgin Island at nahagip ang Puerto Rico.
Dahil sa lakas ng hangin ay maraming ng mga tanim na punong kahoy ang nabuwal.
Patungo na sa Caribbean ang nasabing hurricane at inaasahan na ito ay tuluyang hihina na .