-- Advertisements --
Ilang libong mga residente ng southern India ang inilikas dahil sa malakas na pag-ulan.
Karamihan sa mga inilikas ay yung mga nasa mababang bahagi ng Tamil Nadu at Andhra Pradesh kung saan dalawang katao na ang naitalang nasawi.
Nalubog na rin sa baha ang kabahayan sa Chennai city kung saan maraming mga sasakyan ang inanod at natumba ang mga punong kahoy.
Nagsara naman ang operasyon ng Chennai airport, isa sa itinuturing na busiest airport ng India.
Ang bagyong Michaung ay may dalang hangin na 110 kilometers per hour kung saan inaasahan na magdadala ito ng malawakang pagbaha sa nasabing lugar sa mga susunod na araw.