-- Advertisements --
Nasa pitong international flights sa Indonesia ang naapektuhan dahil sa pagsabog ng bulkan.
Karamihan sa mga flights na naapektuhan ay patungo sa Island resort na Bali.
Nagbuga kasi ng makapal na abu ang Mount Lewotobi Laki-Laki na tumagal ng 11 minuto at siyam na segundo.
Nagdeklara na rin ang lugar ng 14-araw na emergency at inilikas ang halos 5,000 na residente na nasa isla.