-- Advertisements --
Lumikas ang mahigit isang milyong residente ng Kyushu island sa Japan dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan.
Hinikayat ng mga otoridad sa Kagoshima at Miyazaki na lumikas na sa mga ligtas na lugar.
Nanawagan din si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na gumawa ng hakbang para malayo sa anumang sakuna.
Mula pa noong Biyernes ay nakaranasa ng walang habas na pag-ulan ang nasabing lugar kaya minabuti ng mga residente na lumikas na sa mga ligtas na lugar.