-- Advertisements --
Nasa mahigit 2,300 mga residente ng Ryazan region sa Russia ang inilikas matapos ang pagsiklab ng sunog sa bodega ng mga armas.
Ayon sa Ministry of Emergency Situations, na itinakbo ang 20 katao matapos na sila ay nasugatan.
Dahil sa mga malakas na hangin kaya lalong kumalat pa ang apoy sa military storage facility.
Nakatago sa lugar ang 75,000 na munitions, mga missiles at mga artillery munitions.
Kabilang na inilikas ang mga naninirahan sa 14 na villages na nasasakupan ng five kilometer radius ng bodega.