-- Advertisements --
Maraming mga residente ng north San Francisco ang inilikas dahil sa patuloy na paglaki ng wildfire.
Nasa mahigit 4,000 na hektarya na ang apektado ng sunog sa Sonoma County.
Dahil sa nasabing sunog ay sapilitan ng inilikas ang mga residente na naninirahan sa lugar.
Aabot naman sa 200,000 na residente rin ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa nasabing sunog.
Itinuturong sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy ay dahil sa malakas na hanging nararamdaman sa lugar.
Nagtulong-tulong na ang mga residente at mga bumbero para tuluyang maapula ang nasabing sunog.