-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ni Health Usec. Eric Domingo na wala pang Filipino na nagpositibo sa corona virus mula sa Wuhan, China.
Ayon kay Domingo, maraming inobserbahan na nakitaan ng senyales ngunit kalaunan ay nagnegatibo naman ang mga ito sa binabantayang strain.
Iginiit din nitong may mga hakbang silang ginagawa para matiyak na hindi kakalat ang sakit sa Pilipinas, kahit may magpositibo man sa mga naka-quarantine na mula sa China.
Aktibo rin umano ang monitoring team nila sa mga paliparan para agad maharang ang mga pasaherong may senyales ng bagong corona virus mula sa Wuhan City.