BUTUAN CITY – Naitala ang maraming sugaran kasama na ang dalawang kritikal matapos ang nangyaring car accident sa may Barangay Del Rosario, Tubod sa lalawigan sa Surigao Del Norte alas 7:45 ng umaga sa nakaraang araw.
Sangkot dito ang ELF truck at pampasaherong multicab.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Police Capt. Randy Azote, Hepe ng Tubod Municipal Police Station, inihayag nitong patungo sana sa Butuan City ang nasirang ELF Truck na hinihila na lamang ng isa pang ELF Truck nang naputol ang ginamit na tali.
Tumawid ito sa kabilang linya ng daan dahilang nakabangga nito ang pampasaherong multicab na patungong Surigao at may 8 mga pasahero.
Nakilala ang mga sugatan na sina Michael Bernard Bañosa na taga Bayugan City; Albert ehas,13-anyos na taga San Roque Kitcharao, Agusan Del Norte; Rosemarie Bihag, 49-anyos na residente naman sa Barangay San Roque; Richard Brial, 28-anyos na taga Barangay Tungao, Butuan City; Junrey Abis,26-anyos ng residente sa Barangay Tungao; Ramon Lauron Orcullo,26-anyos isang guro na taga Mainit, Surigao Del Norte; Leon Cainoy, drayber ng multicab na taga Mahayahay, Kitcharao; Reneboy Bagnol Ubang, 38-anyos taga Barangay San Juan, Alegria, Surigao Del Norte; Aireen Mahinay, 32-anyos, guro na taga Barangay Anahaw, Alegria; Richarad Marano, 28-anyos taga Alegria at Rafael Batus na residente naman sa nasabing lugar.
Dinala sa Caraga Hospital sa Surigao ang mga biktima ngunit ang drayber sa multicab ay ni-refer sa Davao para sa karagdagang medikal na atensiyon.
Nangako naman ang may-ari ng ELF Truck na aakuhin ang gastos sa pagpapa-ospital ng mga biktima habang ang drayber sa ELF Truck ay nasa kulungan na ngayon para sa tamang disposasyon.