-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Lalo pang nadadagdagan ang mga GCTA beneficiaries na sumuko sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay police regional office Cordillera-regional director Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, sa rehiyon ay aabot na sa 30 ang mga sumukong napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sinabi ng opisyal na ilan sa mga sumuko ay galing pa sa ibang rehiyon.
Ayon kay Dickson, boluntaryong nagtungo ang mga napalayang convicted sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa Cordillera.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsuko ng mga napalayang convicted sa heinous crime para hindi manganib ang kanilang buhay.