-- Advertisements --

Panatag ang Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang stocks at supply ng noche buena products hanggang sa unang kwarter sa susunod na taon.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo na kumpleto pa ang supply base sa kanilang monitoring sa mga supermarkets.

Siniguro din nito na kapareho lang ang suggested retail price noong 2019 epektibo Nobyembre 15 hanggang Disyembre 31, ibig sabihin walang paggalaw ng presyo.

Nakumbinsi ni DTI Secretary Ramon Lopez ang mga manufacturer ng noche buena products na isuspendi muna ang mga price increase dahil sa naranasang pandemya ng mga Pilipino.

Hinimok din ng kagawaran ang mga consumers na huwag bumili ng patingi-tingi sa sari-sari stores kasi marami nang dinaanan ang supply chain kung kaya’t may mga patong na ang presyo ng produkto.