Inamin ng Department of Health (DOH) na naging “cause of concern” sa kanilang kagawaran ang maraming tao na nagtitipon sa panahon ng campaign sorties.
Nagsimula na noong February 8, ang kampaniya para sa national candidates sa mga tatakbo sa May 9 elections.
Muling nagpaalala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kahit bumababa ang kaso ng virus, nananatili parin na buhay ang transmission nito.
Pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na dadalo sa mga campaign rally na mag-ingat dahil maaari silang magkasakit.
Hiniling ng opisyal ng kalusugan sa mga lokal na pamahalaan na bantayan ang mga nasabing aktibidad.
Nanawagan din siya sa mga kandidato na maging halimbawa sa pagsunod sa mga health protocol.
Kamakailan, ang independent pandemic monitor Octa Research ay nagbigay ng mga tip sa kung paano maiwasan ang mga superspreader na kaganapan sa mga campaign rally. Top
Home Nation
Maraming taong nagtitipon sa panahon ng campaign sorties, ikinabahala ng DOH
-- Advertisements --