-- Advertisements --

VIGAN CITY – Plano ng dating gobernador ng lalawigan ng Ilocos Sur na ngayo’y Narvacan mayor at business mogul Luis “Chavit” Singson na bumuo ng mas maraming trabaho para sa mga overseas Filipino workers’ na nanggaling sa Middle East na pauuwiin sa Pilipinas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Singson na isa ito sa mga pangunahing rason kung bakit nagtutungo ito sa iba’t ibang bansa upang manghikayat ng mga negosyanteng magpupuhunan sa bansa, lalo na sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Ito ay upang magkaroon ng trabaho ang mga taga-Ilocos Sur lalo na ang mga OFW na pauuwiin galing sa Middle East dahil sa tensyon at sa pang-aabuso ng kanilang mga employer.

Naniniwala ang businessman-politician na kung makita ng mga Pilipino na mayroong magandang oportunidad para sa kanila dito sa bansa, hindi na sila makikipagsapalaran sa ibang bansa.