VIGAN CITY – Maraming mga volunteers pa ang kailangan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRCV) para sa kanilang isinasagawang election data validation.
Ito ang panawagan ng PPCRV sa kasagsagan ng pagbibilang pa ng boto ng Commission on Elections (Comelec) nitong katatapos na May 13 midterm elections.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni PPCRV spokesman Arwin Serrano na, manu-mano ang kanilang ginagawang validation mula sa mga nakuha nilang kopya ng election results sa mga polling precinct kaya kailangan nila ng maraming volunteers.
Tiniyak ni Serrano na madali lamang umano ang magiging trabaho ng mga papasok na volunteers at tuturuan naman umano nila ang mga ito upang mapabilis ang kanilang trabaho.
Layon ng election data validation ng PPCRV na matiyak na ang mga election results na naipapakita sa publiko ay tama at tugma sa mga election results na nanggaling sa mga polling precincts sa iba’t ibang panig ng bansa.