-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ramdam na ngayon ang maraming withdrawals ng mga government rice sa ilang bodega ng National Food Authority (NFA) matapos ang ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay NFA Bicol Director Henry Tristeza, ipinagdarasal na lang ngayon na hindi magkaproblema sa emergency milling gaya ng kawalan ng kuryente.

Nabatid na sa buong rehiyon ay umaabot sa 42, 000 ang daily consumption rate.

Malaking pasasalamat naman ng opisyal na nakapagpadala ng isang barkong bigas na sakay ang 30, 000 na sako sa Catanduanes bago ang lockdown.

Sa Masbate naman ayon sa ulat ng provincial manager ng NFA, nasa 5, 000 na sako ang bigas at mayroon pang 15, 000 na sako ng palay.

Sa ngayon, maging ang mga barangay ay lumapit na rin sa NFA upang mag-request ng bigas.