CAGAYAN DE ORO CITY – Tahasang ibinalik ng grupong Maranao Consensus ang sisi kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapanumbalik makabangon ang lugmok na kalagayan ng libo-libong pamilya o mga residente na direktang apektado sa limang buwan na engkuwentro ng state forces at grupong Maute-ISIS sa Marawi City, Lanao del Norte.
Ito ang matapos tila ibinaling ni Duterte ang sisi sa mga residente kung bakit nakaranas ng malawakang pagka-antala na full rehabilitation at recovery efforts ang lungsod partikular ang 24 na barangay na itinuring na most affected area (MAA) dahil sa nabanggit na digmaan simula Mayo 23 hanggang Oktubre 23, 2017.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Maranao Consensus convenor Drieza Abato Lininding na wala sa kanila ang deperensiya bagkus ay nagmula sa mismong tanggapan ni Duterte at Task Force Bangon Marawi kung bakit naantala ang program of works.
Ipinunto nito na ang pag-aagawan umano kung sino ang government agencies ang dapat magpatupad ng mga programa ang mas lalong pagpa-antala kung saan nasayang ang unang dalawang taon.
Hindi rin umano sila masisisi kung umaabot sa kanilang kaisipan na tila ginawa na ‘gatasan’ ang MAA dAhil kumikilos nga ang task force subalit ibang mga ahensiya ng gobyerno ang hands-on pagdating sa ground works.
Una nang kumitil ng maraming buhay ng katao ang engkuwentro at puwersang nagpaalis ng maraming pamilya dahil bumagsak ang ekonomiya epekto ng terorismo sa lugar.
Magugunitang ikinadismaya ng grupo ang pahayag ni Duterte na binigkas nito nitong Lunes ng gabi kaya agad naglabas pahayag sila nitong araw.