-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Tatlong araw na magsasagawa ng marathon consultation simula ngayon ang GenSan council sa pangunguna ng komitiba ni City Councilor Edmar Yumang kaugnay sa mga nagpapatakbo ng investment scheme na nag-o-operate sa lungsod.

Ayon kay Yumang na hanggang sa araw ng Biyernes mayroong mga govertment offices at agencies na iimbitahan gaya ng Business Permit and Licensing Division, Department of Trade and Industry, Securities and Exchange Commission (SEC), Cooperative Development Authority, Philippine National Police, Criminal Investigation Detection Group, National Bureau of Investigation at marami pang iba na may alam sa operasyon ng mga investment schemes sa lungsod.

Ayon pa sa opisyal, bukas maaaring maging bisita ang mga nagpasimula ng nasabing negosyo, ang mga founders at operators nito habang sa araw ng Biyernes naman ang mga biktima ang siyang haharap sa konseho.