-- Advertisements --

Patay sa aksidente si men’s marathon world record holder Kelvin Kiptum ng Kenya sa edad na 24.

Kasama nito ng nasawi sa aksident ang kaniyang coach na si Gervais Hakiziman ng Rwanda ng mabangga ang kanilang sasakyan.

Nagtala ng record si Kiptum noong 2023 kasabay ang kaniyang matinding karibal na si Eliud Kipchoge.

Noong Oktubre ay nahigitan ni Kiptum si Kipchoge kung saan sa layong 42 kilometers ay tinapos nito ng ng dalawang oras at 35 segundo sa Chicago.

Ang dalawa ay kiniklala bilang provisional marathon team ng Kenya para sa Paris Olympics.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad ng minamaneho ni Kiptum ang sasakyan ng ito ay bumangga sa isang poste at naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Nanguna si Kenyan President William Ruto na nagpaabot ng pakikiramay sa nasawing atleta.