-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Iniaalay ng marathoner na silver medalist sa nagpapatuloy na 2023 South East Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia ang kanyang tagumpay.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Arlan Arbois Jr., halos hindi ito makapaniwala na mananalo at makuha ang silver medal sa marathon.

Ayon kay Arlan, originally hindi umano siya kasali sa Philippine Team ngunit dahil sa nakita potential nito ay kinuha siyang maging kapartner ng isang babaeng Marathoner kaya’t ito rin ang unang beses na nakalahok siya sa Sea Games.

Isa sa mga naging daan upang mapabilang siya sa mahigit 800 Athletes na sumabak sa Sea Games ay ang ang isa sa mga coah nito na tinaguriang King of road, ang long distance runner at five times Sea Games gold medalist na si Eduardo Buenavista alyas Vertek na taga South Cotabato.

Dagda pa ni Arlan, 3 buwan lamang ang naging training nito bago ang Sea Games sa Cambodia kaya’t aminado itong nakaranas ng cramps habang nakikipagsabayan sa mga beterano ng Marathon Athletes.

Ngunit dahil sa kanyang determinasyon ay nakuha nito ang Silver Medal.

Ibinahagi din ni Arlan sa Bombo Radyo Koronadal ang hirap ng kanilang buhay na isa sa mga inspirasyon nito kung bakit nagpursige na magsanay at lumahok sa ibat-ibang kompetisyon.

Sa pagtapos umano ng Sea Games ay uuwi ito ng South Cotabato upang makasama nag kanyang pamilya at pagkatapos ay babalik na agad sa pag-eensayo.