-- Advertisements --
Marawi2

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipapakita ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa foreign media ang totoong mukha at anyo sa most affected area kung saan nakabase ang 24 na barangay na nabomba ng husto sa Marawi City.

Ito ay upang ituwid ang unang naiulat ng Washington Post kung saan inilarawan na umano’y “ghost town” pa rin ang Marawi City sa kabila ng mga tulong na dumating mula sa maraming bansa matapos napalaya mula sa Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) terror group noong Mayo 23 hanggang Oktubre 23, 2017.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni TFBM chairman Secretary Eduardo del Rosario na mismong ang Presidential Communications Operations Office at Philippine Information Agency ang nag-imbita ng 40 foreign media personalities upang makita ang nagawa ng gobyerno na rehabilitasyon sa Marawi City.

Sinabi ni Del Rosario na ito ang unang pagkakataon na bubuksan para sa foreign media ang most affected area upang maipakita sa buong mundo kung nasaan na ang gobyerno sa unang ipinangako ito na muling pagpapabangon nang bumagsak na ekonomiya ng lungsod.

Dagdag ng opisyal na ang pagbisita ng 40 oreign media practitioners ay bahagi lamang sa maraming aktibidad ng gobyerno upang sariwain ang sakripisyo ng state forces at ibang personalidad kung paano naitakwil ang tangka na pagsakop ng mga Marawi City na magdadalawang taon na sa darating na Mayo 23.