-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Napasok na rin ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Task Force Bangon Marawi chairman Sec. Eduardo del Rosario sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Sinabi ni Del Rosario na napansin nila na pareho ang isinisigaw ng mga tao gaya ng pagpapahinto ng martial law, pagpapatigil ng extrajudicial killings at human rights violation.

Aniya, may mga ebidensya sila na nagpapatunay na mismo ang mga lider ng CPP-NPA ang nag-organisa sa mga tao para magsagawa ng rally sa naturang lungsod.