ILOILO CITY – Bata pa lang ay nakitaan na umano ng leadership skills ang Marawi hero at newly appointed Philippine Air Force commander na si Major General Stephen Parreño.
Si Parreño ay tubong Passi City na component city ng Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay dating Department of the Interior and Local Government Undersecretary for Public Safety Peter Irving Corvera, sinabi nito na mula kinder hanggang high school magkaklase sila ni Parreño sa Central Philippine University.
Ayon kay Corvera, isang aktibong student leader at achiever si Parreño.
Anya Salutatorian si Parreño noong high school sila at kumuha pa ng kursong Engineering bago pumasok sa Philippine Military Academy.
Napag-alaman na si Stephen Parreño ang nagtapos bilang class salutatorian ng Philippine Military Academy Class of 1991.
Kompiyansa naman si Corvera na ipagpapatuloy ni Parreño ang pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko lalo na sa Philippine Air Force sa ilalim ng kanyang liderato.