Muling pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil ang kapulisan niya na dapat ay maging neutral.
Kasunod ito sa pagsampa ng kaso kay Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas ng Quezon City Police District (QCPD) na naglabas ng hinaing sa social media ukol sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ng PNP Chief na ang PNP ay isang pillar ng law and order at hindi plataporma ng palabas ng personal o political agendas.
Binalaan nito ang mga kapulisan na hindi nila papalampasin ang sinumang maging partisan na siyang nakakasira sa tiwala ng publiko sa mga kapulisan.
Magugunitang sinampahan na ng QCPD ng kasong inciting to sedation at paglabag sa cybercrime law si Fontillas matapos na maglabas ng hinaing sa pagkakaaresto kay Duterte.