-- Advertisements --
marc

Ikinagulat umano ng ilang NBA fans ang naging desisyon ng Los Angeles Lakers na pakawalan na rin nila ang beteranong sentro sa pamamagitan ng trade na si Marc Gasol.

Sinasabing ipapalit ng Lakers kay Gasol ang 2024 second-round pick at cash na $250,000 sa Memphis Grizzlies.

Gayunman ayon sa Grizzlies, gagawa naman sila ng waiver upang bitawan din si Gasol para makabalik ito sa pamilya sa bansang Spain na siya rin namang kagustuhan daw na manatili na lamang doon.

Lumutang ang isyu na kapag binitawan ng Lakers si Gasol ay makakatipid sila ng aabot sa $10 million na pasweldo at luxury tax.

Dagdag pa ng Lakers, makukuha rin nila ang rights sa Memphis para kay Wang Zhelin.

Sa ngayon ang Lakers ay meron ng 13 guaranteed contracts bago ang simula ng training camp ngayong buwan.

Sa Oktubre kasi magsisimula na rin ang bagong season ng NBA.

Sa kabila nang pagkawala ni Gasol wala namang problema daw sa team dahil bago lamang nilang kinuha si DeAndre Jordan, nandiyan din si Dwight Howard at si Anthony Davis para sa rotation.