Sinunggaban ni star center Marc Gasol ang one-year player option upang makapaglarong muli sa Toronto Raptors sa susunod na season.
Sinasabing nasa $25.6 million ang halaga ng nasabing kasunduan at sakaling tinanggihan ito ng 34-year-old Spanish player hanggang Biyernes (Manila time), magiging free agent na ito pagsapit ng Lunes.
Hinihintay pa rin ngayon ng koponan ang pasya ni Raptors star Kawhi Leonard, na mayroon ding one-year player option sa kayang deal.
Magiging free agent naman si Leonard sa Lunes kung tanggihan nito ang naturang player option.
Si Gasol, na nakuha ng Toronto mula sa Grizzlies nitong Pebrero, ay may average na 13.6 points at 7.9 rebounds sa 79 regular season games sa Raptors at Memphis at may 9.4 points at 6.4 rebounds sa 24 na playoff games.