-- Advertisements --

Mas lumakas pa ang bagyong ‘Marce’ habang ito ay patungo sa west northwestward ng karagatan ng bansa.

Ayon sa PAGASA, na ang sentro ng bagyo ay nasa 415 km. ng East Northeast ng Echague, Isabela o 395 kilometers ng silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 sa Santa Ana, at Gonzaga sa Cagayan.

Habang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa mga lugar ng Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan kasama na ang Babuyan Island, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, , Kalinga, Mountain Province, Ifugao,; Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Atok, Bokod sa Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya,; Quirino,Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora sa Aurora.

Inaasahan na maglaland-fall ang bagyo sa Babuyan Island o sa northern portion ng Cagayan sa hapon o gabi ng Huwebes.

Sa gabi pa ng Biyernes na inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Marce.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente ng nasabing lugar na laging maging maingat at asahan ang mga malalakas na pag-ulan.